Hikayat o Parusa
Ano nga ba talaga ang tama?
.
.
.
Mula sa paglabag ng batas,
Hanggang sa suliraning pinpilit malunas
Ngunit hindi ba natin pagtutuunan pansin,
Ang mas malaking problema natin?
Mga batas na naghalohalo,
Iba-iba ang nagiging dulot
Tama man o mali, pinapabayaan
Ano nga ba mangyayari sa ating bayan?
.
Ang batas nga ba’y panlunas,
Kung hindi naman ito pinaparanas?
Sa mga taong pinipilit ang kasamaan,
Para sa ating kinabukasan
.
Nagtinda lang ng shabu at marijuana,
Isang gabi, natamaan ng bala
Pati ang isang nagnakaw ng pagkain,
Na dahil sa kahirapan, nakaya niya itong gawin
Habang ang isang taong nasa pamahalaa’y nagnakaw ng milyong-milyong piso
Di nagtagal ay nakalaya na rin at nagawa pang bumalik sa gobyerno
.
“Ngunit ano nga ang problema dito,” ang tanong ko naman diyan
Sinasaktan natin ang mga walang kasalanan
Ibigay niyo sa mga tao kung ano ang tama,
Gawin niyo ang tama gamit ang inyong kapangyarihan
.
Halina’t puntahan natin ang kabilang kalye!
Tayo na’t manghikayat ng mabuti,
Upang sila ay luminis ang isipan,
Para sa susunod ay sundin nila ang pamantayan
.
Pero sabi ng iba, “Sa disiplina lang iyan!”
“Sa disiplina ng ating mamamayan!”
“Kung sila’y susunod at tayo’y hindi pinapangunahan,”
“Ang mga batas na ipinatupad ay magiging makatarungan.”
.
Batas!
Nagbibigay dapat ng proteksyon sa mga mamamayan,
Ngunit dahil sa paglabag, ay tuluyang napaparusahan
Oo, mahalagang sumunod tayo sa mga panuntunan ng bayan,
Pero higit sa lahat, hustisya ang kailangan
“Parusahan ang nagsala!”
“Bigyan ng hustisya ang mga biktima!”
Ngunit itim at puti lang ba ang kulay ng mundo?
Pwede pa ba silang magbago?
Ang mga kinatatakutan nating mga makasalanang tao?
.
Wala tayong magagawa at ito na ang nangyari
Sa ating bansang nailigtas ng mga bayani
Mga mananakop tayo ay inimpluwensya,
Sa ganitong klase ng drama
Kaya hikayat o parusa,
.
Ano nga ba talaga ang tama?
.
.
.
Credits: PSHS CBZRC, Adelfa 2024, ValEd Group 1