“Balut!”

Isang sanaysay tungkol sa Balut.

.

Ang tao ay may “5 senses”: ang pang-amoy, pang-lasa, pang-hawak, pang-kinig at ang pang-tingin. Sa sanaysay na ito ay tatalakayin ko kung anu-ano ang mga naaalala ko sa “Balut” kapag ito ay ginamitan ko ng aking “5 senses”.

Ano nga ba ang Balut? Ang Balut ay isang pagkaing Filipino, ito ay ang  nilagang itlog ng itik na pinaniniwalaan na pampalakas ng katawan. Ito ay karaniwang kinakain sa mga inuman at maari rin iterno sa sitsaron.

Kapag ako ay nakakatikim ng Balut, aking naaalala ay ang masarap na sabaw na niluluto ng aking lola, isang sabaw na siya lang ang marunong gumawa. Ang lasa, masarap kapag may kahalong suka, ngunit maari rin itong kainin kahit walang suka. Isa pang kagat, aking naaalala ang mga araw ng aking kabataan kung saan nakikipaglaro ako sa aking mga pinsan, at kakain ng Balut para sa merienda. Ang mga tawa namin at ang kakaibang lasa ng sisiw ng Balut. 

Ang aking mga mata, kapag aking nakikita ang Balut, napapaluha. Naaalala ko ang aking lolo na pumanaw na, ang Balut ay isa sa kanyang paboritong pagkain. Maaalala ko ang kanyang tawa kapag kumakain siya na Balut, ang kanyang mg hirit, “Balut, balut! Tara, kainan na!” Ako’y talagang napapaluha kapag nakakakita ng isang Balut.

Kapag ako’y naka amoy ng isang Balut, ako’y napapalaway, dahil sa “aroma” nito. Ako’y nagugutom kapag nakakaamoy ng Balut, kahit kakakain ko lang. Anuman mangyari, ako’y laging magugutom kapag ako’y naka amoy ng Balut.

Para sa akin, ang Balut ay isang bagay na malapit sa aking puso. Pagkain lamang ito, ngunit maraming alaala ang dala nito. Sa amoy, sa lasa, sa itsura, marami ang aking maaalala. Hinding-hindi ako magsasawa  sa Balut sapagkat masyado malaki ang halaga nito para sa akin. Muli, ang Balut ay masarap, wag mong kakalimutan ‘yon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *